Friday , November 15 2024
Lani Cayetano Taguig Embo SENIOR CITIZEN One Stop Shop
INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Taguig City ang pamamahagi ng birthday cash gifts sa mga senior citizens sa 10 EMBO barangay. Personal na ibinigay ni Mayor Lani Cayetano ang mga cash gifts sa ilang senior citizens na dumalo sa paglulunsad ng buwanang regalo. Ipinaliwanag ni Mayor Lani na kung cash ang birthday gift, mas may opsyon ang celebrant kung anong pagkain halimbawa ang ihahanda para sa kanilang pamilya at mga bisita na ginanap sa Barangay Pembo. (EJ DREW)

Masarap tumanda sa Taguig
TAGUIG, NAGSIMULA NANG MAGPAMAHAGI HOUSE TO HOUSE NG BIRTHDAY CASH GIFT SA MGA SENIOR CITIZEN SA EMBO BARANGAYS; NAGTATAG NG ONE-STOP SHOP PARA SA MGA SOCIAL SERVICES

Opisyal nang nagsimula ang Lungsod ng Taguig noong Huwebes, Agosto 31, ang house to house na pagpapamahagi ng birthday cash gift sa mahigit 270 na senior citizen na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong Agosto mula sa 10 barangay ng Embo na nasa pangangalaga nito.

Sa ilalim ng programang ito, tumatanggap ang mga senior citizen ng lungsod ng cash gift na nagkakahalaga mula P3,000 hanggang P10,000 depende sa kanilang edad:

P3,000 para sa mga may edad na 60-69,

P4,000 para sa mga may edad na 70-79,

P5,000 para sa mga may edad na 80-89, at

P10,000 para sa mga may edad na 90-99.

Kapag sila ay umabot na ng edad na 100, bibigyan sila ng P100,000 at patuloy nilang tatanggapin ang parehong halaga  taun-taon hanggang sila ay nabubuhay.

Si Mayor Lani Cayetano mismo ang nag-abot ng cash gift sa mga senior citizen na naroroon sa kickoff ceremony sa Barangay Pembo. Ang iba naman ay tumanggap ng kanilang cash gift sa kanilang mga tahanan na dinala mismo ng mga barangay workers ng Taguig.

Si Guillermo Perez Jr., 72 taong gulang mula sa Barangay South Cembo, ay nagpahayag ng pasasalamat sa Lungsod ng Taguig para sa cash gift at house-to-house distribution.

“Napakaganda po na dinadala niyo sa amin sa bahay ang aming cash gift. Maraming salamat po,” sabi ni Perez habang tinanggap ang kanyang P4,000 na cash gift noong Huwebes.

Para kay Adela Miranda, 86 taong gulang mula sa Barangay Post Proper Southside, ito ang unang pagkakataon niyang tumanggap ng cash gift para sa kanyang kaarawan.

“Maraming salamat po at ngayon may natanggap na ako sa aking kaarawan. Ibibili ko po ito ng bigas at pang-ulam namin,” masayang sinabi ni Miranda sa mga tauhan ng barangay na nag-abot sa kanya ng P5,000 na cash gift.

Kahit pa nahirapan ang lungsod sa pagkuhang database ng mga senior citizen, nagawang matukoy ng Taguig ang unang listahan ng 271 na senior citizen sa tulong ng mga lider ng komunidad sa mga Embo barangay. Ito ay naverify gamit ang listahan ng mga benepisyaryo ng social pension mula sa nasabing barangay.

“Kahit po mano mano ang pagkalap ng ating datos, hindi na namin ipinagpabukas ang pagkakaloob ng birthday cash gift sa ating mga senior citizen,” sabi ni Mayor Lani sa kanyang mensahe sa mga senior mula sa mga barangay ng Embo.

“Ang araw po na ito ay patunay na mayroong programa ang City of Taguig para sa ating mga senior citizens. Sa Taguig ang naging programa po natin, pag sumasapit ang kaarawan ng ating mga senior citizen, according to the age bracket, financial assistance po yung binibigay natin,” dagdag ni Mayor Lani.

Bukod dito, nagbukas din ang Taguig ng isang one-stop shop volunteer center sa Sampaguita Street sa Barangay Pembo kung saan ang mga hindi kasama sa unang listahan ng benepisyaryong senior citizen ay maaaring pumunta para mai-lista at ma-verify para sa kanilang birthday cash gift.

Ang one-stop shop ay bukas rin para sa mga katanungan at aplikasyon para sa mga social services tulad ng tulong medikal, burial assistance, benepisyo para sa mga may kapansanan, at pati na rin sa mga scholarship concerns.

Kung hindi makapunta ang mga residente sa volunteer center, maari rin nilang tawagan ang mga hotline na ito para sa mga katanungan at mga alalahanin: 0966-170-3025, 0926-661-2230, at 0926-661-2234 para sa mga Globe users; at 0962-057-9590, at 0950-356-1320 para sa mga Smart users.

Bilang isang Caring City, inuuna ng Taguig ang kapakanan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng house to house din na pamamahagi ng libreng maintenance na gamot para sa mga may diabetes, hypertension, at asthma.

Noong 2019, binuksan ng Taguig ang Center for the Elderly, isang pioneer wellness hub sa bansa para sa mga senior citizen. Ito ay isang limang-palapag na gusali na may therapy pool, sauna, gym/yoga/ballroom area, massage room, sinehan, rooftop garden, recreational area, at klinika na nag-aalok ng rest and recreation sa mga nakatatanda sa Taguig na nagnanais mag-refresh.

Tinitiyak ng Taguig na tatanggapin ng bawat senior citizen mula sa 10 barangay ng Embo ang kanilang birthday cash gift dahil sila ay mga residente na ng Lungsod. Iniulit rin ng lokal na pamahalaan ang kanilang pangako na ibigay ang parehong mga programa at serbisyo sa kanilang mga bagong residente, lalo na sa mga minamahal na lolos at lolas ng Taguig lolasTaguigTaguig. ###

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …