Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Azi Acosta Jaclyn Jose Mon Confiado Gold Aceron

Husay ni Azi sa pag-arte napiga ni Direk Mac ‘di lang paghuhubad 

ni Allan Sancon

TALAGANG unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan ang sexy actress na si Azi Acosta dahil kapansin-pansin ang galing nito sa pag-arte sa recent Vivamax movie niyang Call Me Alma kasama sina Jaclyn Jose, Josef Elizalde, Mon Confiado, at Gold Aceron

Puring-puri ni Direk Mac Arthur Alejandre si Azi sa galing at very natural nito sa pag-arte. Talaga naman nakipagsabayan  ito sa pag-arte sa award winning actress na si Jaclyn. 

Mag-ina ang role nilang dalawa rito at hindi nagpatalo si Azi kay Jaclyn sa pag-arte, lalo roon sa confrontation scene nila.

Sabi ni Azi, noong una ay nahihiya siyang kaeksena si Jaclyn dahil ang galing talaga nito at aminado siyang idol niya ang aktres. Pero noong naglaon ay naging panatag na siya kaeksena si Jaclyn dahil mabait naman ito at napaka-generous. 

Inintriga rin ng press kung hindi ba nanliligaw ang kanyang leading man na si Gold sa kanya gayung single naman silang dalawa?

Naku hindi po, we’re just friends at very close kami ni Gold since ‘Selena’s Gold’ pa,” pagtanggi ni Azi. 

Ipinakita sa pelikulang Call Me Alma ang relasyon ng mag-inang prostitute na sina Sheila (Jaclyn Jose) at Alma (Azi Acosta) na pinaghiwalay ng tadhana dahil sa kahirapan ng buhay. Hanggang sa magtagpo ang kanilang landas at pinilit nilang hanapin ang ama ni Alma. 

Maganda ang istorya at pagkakagawa ni Direk Mac Arthur ng pelikulang ito dahil hindi lang puro paghuhubad ni Azi ang ipinakita rito. Inilabas din ni Direk Mac ang galing ni Azi sa pag-arte. This is written by the National Artist Ricky Lee. Maraming matututunan ang mga mag-ina sa pelikulang ito. Palabas na simula September 1, 2023 only on Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …