Monday , December 23 2024
road traffic accident

Totoy tigok sa e-bike

PATAY ang isang 11-anyos batang lalaki matapos mabangga ng e-bike habang tumatawid sa kalsada sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng pinsala sa ulo ang biktima na hindi nabanggit ang pangalan, residente ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap ng pulisya ang driver ng E-Bike, kinilalang si Ralph Justine Mahusay, 18 anyos, residente sa E. Mariano St., Brgy. Tangos-South na tumakas matapos malaman na namatay ang biktima.

Sa report ni P/Cpl. Dandy Sargento kay Navotas police chief P/Col. Santos Sumingwa, Jr., dakong 11:45 pm nang maganap ang insidente sa A.R. Cruz., Brgy. Tangos South, Navotas City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ng e-bike na minamaneho ng suspek ang kahabaan ng A.R Cruz St., patungo sa Tanglaw ng Wawa, Brgy. Tangos South nang mabangga nito ang biktima na tumatawid sa lugar.

Sa lakas ng impact, bumagsak ang biktima at humampas ang ulo sa sementadong kalsada na naging dahilan upang isugod siya ng suspek at mga tanod ng Barangay Tangos North sa nasabing ospital ngunit binawian ng buhay.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide kontra sa suspek sa Navotas City prosecutor’s office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …