Saturday , April 19 2025
HUMAN TRAFFICKING San Fernando, Pampanga

Sa San Fernando, Pampanga
6 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASAGIP

MATAGUMPAY na nasagip ng mga awtoridad ang anim na indibidwal na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking sa isinagawang operasyon sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 26 Agosto.

Sa ilalim ng pamumuno ni PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., sa pakikipagtulungan ng Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group 3, WCPD, San Fernando CPS, at mga tauhan sa RRPTP mula sa DSWD FO3, isinagawa ang operasyon sa Golden Haven, Brgy. Calulut, sa nabanggit na lungsod.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa pinaniniwalaang bugaw na kinilalang si Jasmin Dela Peña, alyas Kang, 22 anyos; at pagkakasagip sa anim na indibidwal na sinasabing nag-aalok ng sexual services. Inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9208, na inamyendahan ng RA 10364 at RA 7610 laban sa suspek para isampa sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …