Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine rumesbak, sinupalpal netizen na nanira kay Christophe

MA at PA
ni Rommel Placente

ISANG netizen na may  user name na @satorreedgar ang nagpakalat umano ng balita sa pagiging unfaithful ng boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou

Nakikipaglandian daw ito sa ibang babae.

Sa X account (dating Twitter), sinupalpal ni Nadine ang naturang netizen. Talak nito, “Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama. 2023 na, gawa nalang tayong vegan cheese.”

Isa pang X user ang nagbigay ng malisya sa pakikipagkaibigan ni Christophe sa ibang babae at inakusahan pa itong cheater.

Niresbakan din ito ni Nadine. Sagot niya rito, “How rude and offensive. Lagi ko ring kasama ‘yung mga guy friends ko recently, but that doesn’t mean I’m cheating.

“‘Di ba siya pwedeng magka-friends na girls? ‘Di  ko kaya ‘yung backwards mentality mo teh,” aniya pa.

Nagbahagi rin si Nadine ng kanyang saloobin sa  X account para ibandera ang tungkol sa mga taong nakikipagkaibigan sa opposite sex kahit may mga dyowa na.

Normalize girls having guy friends. Normalize guys having girl friends,” sey ni Nadine.

Para naman sa mga taong tumatawag sa kanya ng tanga, ang sabi niya, “In complete awe that some of ‘my fans’ actually called me ‘tanga’ in their gc just cause they think they can live my life better than I can.

“Also the same people that send chismis to others. grateful the real ones never engage with their (b*llsh*t) tbh.

“Also pls don’t come at me with your self righteous + condescending lecture if you believe in chismis. It’s toxic (as f***),” dagdag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …