Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina Dave Almarinez Daughter Kirsten Almarinez

Ara todo-suporta sa dalaga ni Dave 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MINSAN naman na palang pinangarap ni Ara Mina na sundan ang minsang ginawa ng dakilang inang si Mommy Klenk na pagsali sa beauty pageant (at manalo).

Pero ang showbiz ang nakaagaw ng kanyang atensiyon kaya sa pag-aartista ito napadpad.

At ngayon, ibinubuhos niyang lahat ang pagsuporta sa kanyang step-daughter na si Kirsten Almarinez sa pangarap naman ding tanghaling isang beauty queen. Not just with a heart. But with the kind of mind that will help children with disabilities as her advocacy.

Kay Ara nga unang nagsabi si Kristen sa plano niya  lalo na nang mag-email back sa kanya ang inaplyan niyang patimpalak. At matapos lang ang ilang araw ay siya na ang napisil para maging representante ng ating bansa na lalaban sa Madrid, Spain sa Nobyembre.

Kirsten did it on her own. Hindi niya sinabi kung ang mga magulang niya. Maski kung anong mga koneksiyon mayroon siya. And she passed with flying colors dahil siya pa ngayon ang magdadala ng ating bandila sa nasabing patimpalak.

Days ago, naganap ang sashing and crowning ng beauty and brains na dalaga ni Dave Almarinez, na all out ang suporta sa kanyang dalaga. Na hindi malayong maengganyo rin sa kaway ng showbiz dahil kumakanta, sayaw, at arte rin ito. Na pawang nagawa niya sa mga aktibidades niya sa kanyang paaralan.

Kaya bilib ang lahat ng nakaharap ni Kristen sa A Force Ventures office ng kanyang ama (na isa rin sa mga sponsor ng dalaga) sa paglaban nito sa Miss Teen Model Universe 2023 bilang kandidato ng Pilipinas

We have a winner in Kirsten.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …