Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
checkpoint

Motorsiklo sisibat
PULIS SUGATAN SA CHECKPOINT, 2 PUSLIT ARESTADO

NASUGATAN ang isang pulis matapos matagis ng isang sasakyan nang umiwas ang isang motorsiklo sa checkpoint sa San Ildefonso, Bulacan kamakalawa.

               Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakalatag ang anti-criminality checkpoint sa San Ildefonso, Bulacan, pero isang motorsiklo ang binalewala ang utos na huminto.

Dito umaksiyon si P/Cpl. Kennedy Geneta, na siyang Patrol PNCO, at sinubukang patigilin ang sisibat na motorsiklo.

Ang pag-iwas ng motorsiklo sa naturang checkpoint ay nagresulta upang matagis ng isang sasakyan ang pulis na ikinasugat nito sa parteng hita.

Bago tuluyang nakalayo ay naaresto ng mga kasamang operatiba ang dalawang suspek na kinilalang sina John Paul Redupla, at ang angkas nito na si Jay-Ar Reyes, kapwwa 25 anyos.

Nasa kustodiya ng San Ildefonso MPS ang dalawang suspek samantala si P/Cpl. Geneta ay sumasailalim sa medikasyon para sa leg injuries. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …