Saturday , December 21 2024
harassed hold hand rape

Dinukot at ginahasa ng 7 Chinese nationals
BABAENG TAIWANESE NASAGIP SA MALABON

NAILIGTAS ng mga awtoridad sa Malabon City ang isang babaeng Taiwanese national na unang dinukot at ginahasa ng isa sa pitong Chinese nationals sa Malate, Maynila.

Batay sa ulat ni Malabon City police chief P/Col. Jonathan Tangonan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong 3:00 pm nitong Linggo, 20 Agosto, nang ma-rescue ng mga tauhan ng Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Lt. Jonas Gato at Sub-Station 1 ng Malabon police ang 35-anyos biktimang Taiwanese national at residente sa BGC Makati City na ikinulong sa isang bahay na matatagpuan sa Oak St., Victoneta North, Brgy. Potrero ng nasabing siyudad.

Agad naaresto ang dalawa sa pitong mga suspek na kinilalang sina Zheng Xi Lin, 34 anyos, at Ma Pun Xin, 36 anyos, kapwa Chinese National, at mga residente ng nasabing bahay.

               Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Joann-Rose Tindugan ng Malabon police, noong nakaraang 14 Agosto 2023 ay inimbitahan ang biktima ng kanyang kaibigan na ang pangalan ay “Axin” na magkita sila sa Malate, Maynila.

Nang pumunta ang biktima sa nasabing lugar ay hindi niya nakita ang kaibigan at doon na siya umano piniringan at dinukot ng pitong Chinese nationals saka isinakay sa isang pribadong sasakyan at dinala sa isang bahay sa Malabon City kung saan siyang ikinulong.

Nagawang makahingi ng tulong ng biktima sa kanyang kaibigang lalaking Taiwanese national na siyang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Malabon police kaya kaagad iniutos ni Col. Tangonan sa kanyang mga tauhan ang pag-rescue sa biktima.

Sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS) ng cellphone ng biktima, kaagad natunton ng mga pulis ang bahay kung saan siya ikinulong na nagresulta sa pagkakaligtas sa kanya at pagkakaaresto sa dalawa sa mga suspek.

               Sa pahayag sa pulisya ng biktima, noong Biyernes, 18 Agosto ay dalawang beses umano siyang ginahasa ng leader ng mga suspek at nagpadala din siya sa pamamagitan ng online transfer ng cash na 71,428 US dollars; 21,805 US dollars, 20,000 US dollars, 1,000 US dollars, at 10,000 US dollar, ayon sa hiniling ng suspek.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa iba pang mga suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …