NAKAPAGPATAPOS ng karagdagang skilled workers ang pamahalaang lungsod ng Navotas kasunod ng virtual graduation ng 206 trainees ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Sa bilang na ito, 24 ang nakakompleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Shielded Metal Arc Welding; 12 sa Electronical Installation and Maintenance; 7 sa Dressmaking; 24 sa Hairdressing; at 15 sa Massage Therapy.
Apatnapong trainees ang nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II; 15 sa Food and Beverages NC II; at 20 Barista NC II.
May 27 trainees din ang nakatapos ng Japanese Language and Culture, habang 22 trainees ang nakatapos ng Korean Language and Culture.
Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga nagsipagtapos na patuloy na mag-aral at magtrabaho sa pagpapabuti ng kanilang sarili.
“Seize every opportunity to learn. Continuous self-improvement and empowerment is the best investment you can make,” pahayag niya.
Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño (at kahit hindi Navoteño) trainees habang ang mga residente ay maaaring mag-aral nang libre sa nabanggit na training institute at ang mga hindi naman residente ng lungsod ay sasailalim sa assessment exams depende sa kursong kanilang kukunin. (ROMMEL SALES )