NAGLABAS ng pahayag si Makati City Abby Binay kaugnay sa takeover ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa 14 paaralan sa EMBO barangays sa Makati City na nakatakdang i-turnover sa lungsod ng Taguig.
Sa inilabas na pahayag ni Mayor Binay, welcome sila sa naging desisyon ng ikalawang pangulo ng bansa sa pag-takeover sa 14 paaralan.
Dagdag ng alcalde, hinihintay nila ang transition team ni VP Sara upang maayos na mai-transmit ang mga dokumento.
Pinasalamatan ng alkalde si Bise Presidente Sara sa ginawang hakbang nito upang maalis ang agam-agam ng mga mag-aaral, mga magulang, at mga guro.
Makaaasa umano ang bise presidente na uunahin ng Makati ang kapakanan ng mga guro, mga kabataan at kanilang mga magulang. (GINA GARCIA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com