Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Sasakyan ng GSO chief tinambangan
DRIVER PATAY, HEPE SUGATAN

PATAY ang driver ang hepe ng Cotabato City General Services Office habang nilalapatan ng atensiyong medikal sa pagamutan matapos tambangan ang minamanehong sasakyan nitong Martes ng umaga, 15 Agosto, sa lungsod ng Cotabato.

Ayon kay P/Maj. John Vincent Bravo, hepe ng Cotabato CPS 2, binawian ng buhay sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktimang kinilalang si Dandy Anonat, 30 anyos, driver ng hepe ng Cotabato City GSO na si Pedro Tato, Jr.

Unang naiulat na sugatan sina Anonat at Tato matapos ang insidente ng pananambang sa bahagi ng Sebastian St., Brgy. Rosary Heights 10 dakong 8:30 am kahapon.

Nabatid na sinundo ni Anonat si Tato sa kanyag bahay at ihahatid sa Cotabato City Hall nang harangin sila ng dalawang lalaking sakay ng magkahiwalay na motorsiklo saka pinagbabaril ang minamanehong pick-up truck ni Tato.

Dinala ang mga biktima sa Saint Anne Regional and Medical Center ngunit binawian ng buhay si Anonat.

Ayon kay Almedras Renabor, city public safety officer, may tama ng bala sa balikat si Tato at nasugatan ang ilang bahagi ng kanyang katawan ngunit ligtas na sa kamatayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …