Wednesday , November 13 2024
explode grenade

Karahasan sa Cotabato:
BAHAY NG EX-POLL CHIEF HINAGISAN NG GRANADA

HINAGISAN ng hindi kilalang lalaki habang sakay ng motorsiklo, ang harapan ng bahay ni dating Commission on Elections (Comelec) chairperson Sheriff Abas sa lungsod ng Cotabato nitong Martes ng umaga, 15 Agosto.

Ayon kay Sukarno Utto, administrador ng Brgy. Rosary Heights 3, sakay ang suspek ng itim na Yamaha NMax motorbike nang dumaan sa bahay ng mga Abas at maghagis ng granada dakong 7:30 am kahapon.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Utto, walang nasaktan o nasugatan sa insidente ng pagsabog ngunit may mga marka ng shrapnel ang ilang bahagi ng bahay na nasa loob ng bakod.

Lumapag ang granada sa mini-garden sa loob ng compound ng mga Abas sa Narra St., sa nabanggit na barangay.

Nabatid na wala si Abas nang maganap ang insidente ng karahasan.

Isang oras matapos ang insidente, naiulat na tinambangan ng hindi kilalang mga suspek ang sinasakyang pick-up ni Pedro Tato, Jr., hepe ng Cotabato City General Services Office (GSO); at kanyang driver na si Dandy Anonat, 30 anyos, na binawian ng buhay kalaunan.

Kinondena ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang dalawang insidente ng karahasan at nangako ng pabuyang P300,000 para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong tutukoy sa pagkakailanlan ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations …

arrest, posas, fingerprints

5 miyembro ng Nigerian KFR group timbog, kalahing biktima nasagip

SUNOD-SUNOD na naaresto ng mga awtoridad ang limang Nigerian nationals na sinasabing dumukot sa kapuwa …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Kuwait ang nagwagi ng isang brand new …

ASEAN-EU summit

PH Capital Market dapat ihanay sa iba pang mga bansang ASEAN

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ihanay ang capital market ng …