Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

10 law offenders nasakote ng Bulacan PNP

NADAKIP ng mga awtoridad sa magkakakasunod na police operations nitong Lunes, 14 Agosto, ang 10 indibidwal, pawang mga lumabag sa batas sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nadakip ang apat na suspek sa serye ng anti-illegal drug buybust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Rafael, San Jose Del Monte, at San Ildefonso C/MPS.

Kinilala ang mga suspek na sina Kier Dellero, Leoner Castro, Angelito Fernandez, at Christopher Camaya na naaresto matapos maaktohang nagbebenta ng pinaniniwalaang ilegal na droga.

Nakompiska sa serye ng mga operasyon ang 19 pakete ng hinihinalang shabu tinatayang nagkakahalaga ng P123,284, sari-saring drug paraphernalia, at buybust money.

Dinala ang mga nakompiskang ebidensiya sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa pagsusuri habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek.

Gayondin, timbog ang dalawa kataong nakatala sa wanted list sa isinagawang manhunt operations ng tracker team ng Marilao at San Jose Del Monte C/MPS.

Inaresto sa bisa ng warrants of arrest ang mga suspek na kinilalang sina Ben Heathchlif Saniego, sa kasong Rape, sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte; at Wenchel Solano, sa kasong Attempted Homicide sa Brgy. Saog, Marilao.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station ang mga nadakip na suspek para sa angkop na disposisyon.

Samantala, pinagdadampot ang apat pang indibidwal ng mga tauhan ng Hagonoy, Pandi, Bulakan, at Bustos MPS na tumugon sa iba’t ibang insidente ng krimen.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayjay Aquino, sa kasong Frustrated Homicide; Jessie Morados, sa kasong Resistance and Disobedience to Agents of Person in Authority and Direct Assault; alyas Erwin at alyas Rolly na sangkot sa kasong Acts of Lasciviousness.

Nakatakdang sampahan ng mga naaangkop na kasong kriminal ang mga suspek na inihahanda na upang ihain sa korte. (MICKA BAUTISTA) ###

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …