Monday , December 23 2024
Maguindanao del Norte

Sa Maguindanao del Norte,
DESISYUN NG SC SA PAGTATALAGA NG PROV’L TREASURER IAAPELA — EBRAHIM

NAKATAKDANG umapela sa Korte Suprema si Bangsamoro Cotabato City government Chief Minister Ahod Ebrahim sa sandaling matanggap nila ang desisyon ng korte sa Mandamus Case ukol sa pagtatalaga ng provincial treasurer sa Maguindanao Del Norte.

Sa kabila ng planong apela, tiniyak ni Ebrahim na ang Bangsangmoro government ay irerespeto ang pagtataguyod ng demokrasya, hustisya, at ang umiiral na batas sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema.

Inirerespeto umano ni Ebrahim ang independensiya ng hudikatura at ang desisyon nito lalo na’t naniniwala siya na mahalagang igalang ang due process.

Tiniyak ni Ebrahim, hindi sila gagawa ng kahit anong hakbang na magdudulot ng kaguluhan sa kabila ng pagkuwestiyon nila sa naging desisyon ng Korte Suprema. 

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang natatanggap na kopya ng desisyon mula sa Korte Suprema ang kampo ni Ebrahim ngunit kanyang tiniyak na agaran silang maghahain  ng apela sa sandaling matanggap nila ang desisyon.

Nanawagan si Ebrahim sa lahat ng panig na maging maingat ang bawat isa habang kanilang pinagtutulungang maresolba ang usapin sa legal na pamamaraan.

Nanawagan din siya sa mga mamamayan ng Bangsamoro anoman ang kanilang paniniwala sa politika na maging maingat sa kanilang mga ipapahayag ukol sa usapin upang sa ganoon ay hindi ito makagulo at pagsimulan ng mga pag-aalinlangan sa mga apektadong lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region. 

Umaasa si Ebrahim, sa lalong madaling panahon ay matutuldukan na ang usapin para sa tuloy-tuloy na kapayapaan at kaayusan ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Bangsangmoro.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …