Thursday , November 21 2024
Mikoy Morales Dolly de Leon

Mikoy Morales, Dolly de Leon wagi sa Cinemalaya 2023; Iti Mapupukaw, Rookie Big Winners

ITINANGHAL na Best Actor si Mikoy Morales samantalang Best Supporting Actress naman si Dolly de Leon sa katatapos na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2023 na ginanap noong August 13 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Dalawang pelikula naman ang humakot ng mga parangal, ito ang Iti Mapupukaw ni Carl Joseph Papa at ang Rookie ni Samantha Lee.

Nagwagi si Mikoy sa epektibong pagganap nito sa pelikulang Tether samantalang si Dolly ay mula sa pelikulang Iti Mapupukaw.

Nag-uwi rin ng Network for the Promotion of Asian Cinema (NETPAC) for full-length film, at Best Film (full-length feature film) ang Iti Mapupukaw.

Napanalunan naman ng pelikulang Rookie ang Best Editing, Audience Choice (full-length feature film) award, at Best Actress para kay Pat Tingjuy.

Itinampok sa film festival ang sampung full-length films at 10 short films.

Narito ang kompletong listahan ng mga nanalo:

Audience choice (short film)—Hinakdal; Audience choice (full-length feature film)—Rookie; Best Sound Design—Gian Arre – Tether; Best Original Musical Score—Kindred–When This is all Over;  Best Production Design—Kaye BanaagWhen This is all Over; Best Editing—Ilsa Malsi Rookie;  Best Cinematography—Martika Ramirez-Escobar– When This is all Over; Best Screenplay (short film) Alvin Belarmino at Kyla Romero—Hinakdal; Best Screenplay (full-length feature film) Jopy ArnaldoGitling.

Best Supporting Actor—Bon Andrew LentejasHuling Palabas; Best Supporting Actress—Dolly de LeonIti Mapupukaw; Network for the Promotion of Asian Cinema (NETPAC) award for short film, Alvin BelarminoHinakdal; Network for the Promotion of Asian Cinema (NETPAC) award for full-length feature film, Carl Joseph PapaIti Mapupukaw; Best Actor—

Mikoy MoralesTether;  Best Actress—Pat TingjuyRookie; Best Ensemble Performance Award—Ang Duyan ng Magiting;  Cinemalaya Special Jury Award (short film)—Hm Hm Mhm nina Sam Villa-Real at Kim Timan.

Cinemalaya Special Jury Award (full-length feature film)—Ang Duyan ng Magiting ni Dustin Celestino; Best Director (short film)

Mike Cabarles– Makoko sa Baybay;  Best Director (full-length feature film), Ryan Machado– Huling Palabas; Best Film (short film)—Sibuyas ni Perfecto ni Januar Yap; at Best Film (full-length feature film)—Iti Mapupukaw ni Carl Joseph Papa.

About hataw tabloid

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …