DINAMPOT ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang salakayin ng mga awtoridad ang isang ‘drug den’ sa Subic, lalawigan ng Zambales.
Kinilala ng PDEA Zambales Provincial Officer ang mga arestadong suspek na sina Isnura Naldi, 41 anyos, residente sa Brgy. Matain, Subic, itinuturong drug den maintainer; Fatma Tanih, 42 anyos, residente sa Brgy. Calapacuan, Subic; Kristian Ray Montallana, 22 anyos, residente sa East Tapinac, Olongapo; at Fitz Clarence Untalan, 26 anyos, residente sa East Bajac Bajac, Olongapo.
Ayon sa mga awtoridad, inilunsad ang operasyon base sa tip ng isang concerned citizen sa lugar.
Narekober ng operating teams ang apat na piraso ng selyadong pakete ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 17 gramo, at tinatayang nagkakahalaga ng P117,300; sari-saring drug paraphernalia; at buybust money.
Ikinasa ang operasyon ng magkasanib na pwersa ng PDEA Zambales, PDEA SIU SBMA, at lokal na pulisya.
Nahaharap ang mga arestadong suspek sa kasong paglabag sa RA 9265 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)