Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roderick Paulate Maricel Soriano

Dick at Maricel muling magsasama, isasabak sa MMFF

HARD TALK
ni Pilar Mateo

GORIO AT TEKLA pa ang naaalala ng premyadong aktor at komedyanteng si Roderick Paulate na huling pelikulang pinagsamahan nila ng best friend niya na Diamond Star na si Maricel Soriano.

Magbabalik sa pelikula ang dalawa. Sa pamamagitan ng isa na namang obra na ididirehe ni FM Reyes. Na sa mga ‘di nakaaalam eh, ang better-half ng aktres na nakasama na rin ni Kuya Dick sa Seiko Films noon, si Rita Avila.

Mukhang puno ng drama ang pelikula na ipo-produce ni Flor Brioso Santos. Na dakilang ina ni LA Santos, na magkakaroon din ng mahalagang papel sa pelikula.

In His Mother’s Eyes ang titulo ng pelikula na kukunan naman ng D.O.P. (director of photography) na si Neil Daza.

Makakasama nina Gorio at Tekla sa madadramang tagpo sina Ogie Diaz, Maila Gumila at marami pa.

It’s a dramedy. I play the role of a mananahi ng barong. Kaibigan ko si Ogie. At tungkol ito sa hindi pinagkakasunduan sa buhay ng magkapatid. Hanggang d’yan pa lang ang pwede ko sabihin.”

In full swing na ang shoot ng pelikula.

With regards sa other matters in my Kuya Dick’s life, simple lang ang sinabi niya. “Concentrate kami nina Bibs (Biboy Arboleda of B17 Management) sa movies!”

Takagang kaabang-abang ito. At  ‘pag nagsasama sa pelikula ang Maricel at Roderick eh, talagang pumapatok!

Hahabol kaya ito sa MMFF 2023 (Metro Manila Film Festival)? 

Kapag nagkataon, panalong-panalo. Kung may Sharon Cuneta na, may Maricel pa. May Nora Aunor din at Vilma Santos pa! 

Sana pasok lahat! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …