Sunday , December 22 2024
MORE Power iloilo

Para sa mababang presyo ng elektrisidad
GREEN ENERGY AGREEMENT NILAGDAAN NG ILOILO LGU, ERC, AT MORE POWER

ISANG tripartite agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Energy Regulatory Commission (ERC), Iloilo City Government, at More Electric and Power Corporation (MORE Power) na nagsusulong ng paggamit ng renewable energy resources na magbibigay daan sa pagbaba pa ng presyo ng koryente.

Sa ilalim ng kasunduan ay mag-eestablisa ang MORE Power ng one-stop shop na nag-aalok ng renewable energy technologies gaya ng Net Metering at Distributed Energy Resources (DER) na maaaring pagpilian ng consumers.

Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Castro ang kasunduan sa pagitan ng ERC at Iloilo City ay bilang pagsuporta sa target ng pamahalaan na mabawasan ang greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy resources.

“One of the obligations under the agreement is to have a one-stop shop where applicants and interested parties can come. Our collaboration with the city government has been active for the past three years, and we warmly welcome the involvement of ERC. Being the first in the Visayas to enter into this agreement showcases our strong support for the government,” pahayag ni Castro.

Sinabi ni ERC Chairperson at CEO Atty. Monalisa Dimalanta, sa ilalim ng kasunduan, ang ERC ang magbibigay ng technical at regulatory expertise, kabilang dito ang pag-streamline ng documentary submission, installation, payment, at permitting processes ng Net-Metering at DER.

Palalakasin din ng ERC ang information drive para mas lalong tangkilikin ng electric consumers sa Iloilo City ang renewable energy.

Nabatid na ang Iloilo City ang ikalawa sa mga pilot Local Government Unit (LGU) partner ng ERC para sa  Net-Metering at sa kanilang  greater renewable energy program.

“We hope that other LGUs are similarly inspired to partner with national agencies to bring solutions closer to our people,” ani Dimalanta.

Sa panig ng LGU, hinimok ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga residente, partikular ang mga small businesses na lumipat na sa paggamit ng renewable energy para sa tiyak na pagbaba ng kanilang energy consumption.

Tiniyak din nito ang promosyon ng green practices sa Iloilo City sa pamamagitan ng paggamit ng solar panels.

“With this partnership, we aim to promote green practices, aligning with the national government’s targets. In Iloilo, our efforts include solar panels at the national high school, city hall, dialysis centers, and eye care facilities,” pahayag ni Treñas.

Sa inisyal na paglulunsad ng programa, nasa 72 qualified users na ang naisyuhan ng Certificate of Compliance ng ERC para sa Net Metering Program sa Iloilo City at inaasahan na madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …