MULING namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng 86 na mga karagdagang smart TVs sa mga pampublikong paaralan ng elementary at high schools sa lungsod.
Kabilang sa 13 public schools na nakatanggap ng 55-inch smart TVs para sa paghahanda sa nalalapit na school year ay ang Bagumbayan Elementary School, Dagat-dagatan Elementary School, Kapitbahayan Elementary School, North Bay Boulevard North Elementary School, San Roque Elementary School, at Tanza Elementary School.
Kasama naman sa secondary school benepisyaro ang Navotas National High School, San Rafael Technical and Vocational High School, Kaunlaran High School, Tangos National High School, Navotas National Science High School, Bangkulasi Senior High School, at Filemon T. Lizan Senior High School.
“We hope to provide Navoteño public school students with quality education that are on a par with private schools. We also aim to make learning more interesting and enjoyable for them,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Noong nakaraang taon, namahagi din ang pamahalaang lungsod ng nasa 169 smart TVs sa itaas ng 225 at 320 50-inch smart TVs na ibinigay sa mga pampublikong paaralan noong 2018 at 2019, ayon sa pagkakabanggit. (ROMMEL SALES)