ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO si Andrew Gan na pinaka-daring na movie niya so far ang Taong Grasa, na mula sa AQ Prime.
Streaming na ngayon sa AQ Prime ang naturang pelikula ni pinamahalaan ni Direk Neal Tan. Bukod kay Andrew, tampok dito sina Joni McNab, Emelyn Cruz, Manang Medina, at Kurt Kendrick.
Pero sa aming huntahan, ang pinag-usapan namin ay kung talaga bang third choice siya para sa pelikulang Taong Grasa?
Esplika ni Andrew, “Honestly, I heard lang din, originally ibinibigay talaga sa akin ni direk Neal iyong role, but for some reason, nagulat daw si direk Neal kasi ibang actor iyong dumating sa storycon at bigla akong napalitan.
“Then, iyong na-cast for doc Harry is hindi yata maibigay iyong requirement na need ng character. Then, napalitan din siya, so to make the story short po, naging third choice ako bigla,” natatawang pakli ni Andrew.
Pagpapatuloy na kuwento pa niya, “Kaya iyong finally tumawag sa akin si Sir Rodel (Fernando) and in-offer niya sa akin itong role, ibinigay ko talaga ang best ko to portray Doc Harry.
“Kaya special po sa akin itong project na ito, kasi marami siyang pinagdaanan and gusto ko rin patunayan doon sa tao na nang-elbow sa akin na mali iyong decision niya. Kilala ko kasi kung sino siya, hahaha!
“Kaya sobrang grateful ako kina sir Rodel, Direk Neal at siyempre kina Atty. Aldwin and Atty, Honey sa tiwalang ibinibigay po nila sa akin from Upuan and sa Taong Grasa,” masayang wika pa ni Andrew.
Ibig bang sabihin sa mga future projects niya, game na siyang mas todo daring at magpa-sexy?
“Depende po tito sa material. Hindi naman po dapat tayo nagko-close ng doors as long as maganda iyong opportunity na dumarating sa atin. Pero as of now, gusto ko pong ma-tag as strong character actor,” sambit pa ni Andrew.