Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
China Roces Glamo Beauty Lounge

China makailang beses naloko sa negosyo

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KAHIT na-scam na naman siya for the nth time, sige lang sa pagsabay sa daloy ng buhay ang negosyanteng vlogger din at artista na si China Roces.

Hindi pa nga yata nakaka-isang taon ‘yung inilunsad nila ng partner niya sa isang salon sa Parañaque, na may kamag-anak na mga prominenteng tao sa Cavite, nawala na nga raw na parang bula ang partner niya sa nasabing establishment.

Nawala lang daw siya sandali, nang bumalik siya, limas na ang gamit sa kanilang salon na nag-o-offer ng iba pang services sa pagpapaganda at pagsasa-ayos ng kalusugan.

Pero dahil ang ninanais lang naman ni China eh, makatulong sa mga tao, sa  BF Resort ay may binuksan siyang Glamo Beauty Lounge na ang ino-offer eh, sa hair extensions at iba pang may kinalaman din sa pagpapaganda.

Ever supportive kay China ang mister na si David, lalo pa ngayong nakatakda na siyang magsilang sa Nobyembre.

Umaasa si China na sa pagkakataong ito ay maging tama na ang mga desisyon niya, lalo na sa bagong sinimulan na namang negosyo.

Ang kape naman niyang nagtataglay ng collagen eh, mabentang-mabenta at ikinasisiya niya na marami pa rin ang natutulungan sa pagpapalaganap ng kanyang Glamorosa Coffee.

Sa kalagayan ko po ngayon, umiiwas na muna ako sa stress. Nagtatago pa ang mga hinahabol namin. Pero naniniwala kami na darating ang panahon na maiisip din nila ang panlolokong ginawa nila sa amin na baka ginagawa na rin nila uli sa iba.”

Maganda ang location ng Glamo Luxury Lounge ni China. At ang mga hair extensions nila na may iba-ibang haba eh, totoo namang from human hair. 

Sa opening nito, kahit na umuulan eh, dumagsa ang mga gustong pahabain ang mga buhok nila. Para maiba ang estilo o gagamitin sa iba’t ibang okasyon.

Malinis ang intensiyon ni China, pati na si David. Kaya kahit na gusto pa rin nilang may maabutan ng tulong sa gustong makipag-partner at collaborate sa kanila eh, makailang beses muna nilang pag-iisipan na.

Kahit na maging mabait ka at supportive, kung may hindi magandang intensiyon, mabubudol ka talaga. Nakita niyo naman po ang effort at ibinuhos namin para sa salon na ‘yun.”

Karma is real! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …