Friday , November 15 2024
Daniel Fernando

Bunsod ng malawakang pagbaha
BULACAN ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

ANG buong lalawigan ng Bulacan ay isinailalim sa State of Calamity nang ratipikahan ni Gov. Daniel Fernando ang Panlalawigang Kapasiyahan Blg. 579-T’2023 nitong Lunes, 31 Hulyo.

Binigyang-diin ni Fernando, kailangan ang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa malawakang pagkasira dala ng baha sa agrikultura, sa hayop at impraestruktura sa Bulacan.

“Kailangang-kailangan iyan dahil unang-una, ang ating agricultural damages is almost P80 million, ‘yung livestock and hogs natin ay halos P3 million. Wala pa po riyan ang infra,” ayon sa gobernador.

Batay sa resolusyon na iniakda ni Sangguniang Panlalawigan Presiding Officer at Vice Gov. Alexis Castro, ang kalamidad na sanhi ng bagyong Egay na pinatindi ng southwest monsoon ay nakaapekto sa 228,648 pamilya mula sa 171 barangay ng lalawigan.

Gayondin, naitala ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na nasa 21,367 indibiduwal o 5,631 pamilya ang lumikas dahil sa pagbaha sa kanilang lugar.

Samantala, nanawagan si Fernando sa mga miyembro ng House of Representatives na iprayoridad ang komprehensibong solusyon sa dekada nang problema ng pagbaha sa lalawigan sa isinagawang Technical Working Group Meeting ng House Committee on Public Works and Highways kamakalawa.

“Kailangang ito ay mapag-aralan natin at mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng isang matindi at maayos na master plan. Sana ay masuportahan ang aming lalawigan regarding sa mga nangyayaring pagbaha po sa amin. Hindi po namin ito kakayanin kung kami lang,” dagdag ng Gobernador. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …