Saturday , November 16 2024

Pagtuklas sa ‘mass graves’ sa Bilibid

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

NAKAGUGULANTANG ang nabunyag na mga sikreto sa New Bilibid Prison (NBP), nagbunsod ng matinding pag-aalala kung ano ang gagawin ng gobyerno sa ganitong sitwasyon. Ang pagkakadiskubre ng mga “kalansay ng tao” sa isang septic tank sa piitan ay lumikha ng mga nakababahalang katanungan tungkol sa posibilidad na mayroong mass graves sa loob ng pasilidad. Ang pagkompirma mismo ni Justice Secretary Boying Remulla sa natuklasang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahang magsagawa kaagad ng masusing imbestigasyon.

Nagpalala pa sa sitwasyon ang napaulat na pagkawala ng bilanggong si Michael Angelo Cataroja sa kalagitnaan ng buwang ito, samahan pa ng kuwento mula sa matatagal nang bilanggo tungkol sa mga potensiyal pang mass graves. Ang ganitong alegasyon ay dapat na sineseryoso, at kinakailangang mabilisang aksiyonan.

Dapat akuin ng gobyerno ang responsibilidad sa insidente at tugunan ang isyu sa masusi at tapat na paraan. Ang pakikipagtulungan sa mga eksperto mula sa University of the Philippines ay tamang hakbangin. Gayonman, dapat na independent body ang mangasiwa sa proseso upang masigurong patas ang ginagawang pag-iimbestiga.

         Hindi naman dapat balewalain ang kaligtasan at karapatang pantao sa piitan, pero kailangang may managot sa nakaaalarmang insidenteng ito.

Sapat nang matindi ang pinagdaanan ng NBP sa ilalim ng pangangasiwa ng dating hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag, na tinutugis ngayon sa kasong pagpatay sa radio commentator na si Percy Lapid.

Teka nga pala, dahil hindi kailanman lumantad ang kapwa akusado at dating tauhan ni Bantag na si Senior Superintendent Ricardo S. Zulueta simula nang imbestigahan ang pamamaslang kay Lapid sa tulong ng ilang nasa NBP, marahil pupuwede na rin simulang galugarin ng mga naghahanap kay Zulueta ang mga ‘libingan’ sa bakuran ng piitan.

Tutukan ang kaligtasan sa karagatan

Ang nakapanlulumong pagkamatay ng 27 pasahero ng isang motorbanca na lumubog noong nakaraang linggo malapit sa Talim Island sa Rizal ay isa pang pangyayaring nakababahala. Seryosong inusisa ng social media commenter na si Ed Tanabe Pangilinan ang Philippine Coast Guard kung ang pagpupursigi raw ba ng ahensiya sa rescue operations ay kasing tindi ng pagsisikap nitong maiwasan ang mga trahedya sa laot.

Paniwala ni Pangilinan, naiwasan sana ang trahedyang ito kung seryosong ipinatutupad ng PCG ang mga regulasyon at kung tama ang pag-iisyu nito ng clearance. Hindi lamang sila nakatali sa search and rescue; responsibilidad din ng ahensiya ang iwasan ang mga aksidente at proteksiyonan at magbigay-serbisyo sa mga pasahero.

         Tama lang ang pagsuspende ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa safety certificate ng motorbanca, pero hindi nito inaabsuwelto sa pananagutan ang mga responsable. Hindi lamang ang PCG ang ahensiyang dapat na managot sa pagsisiguro ng kaligtasan sa biyahe sa karagatan kundi maging ang Philippine National Police at ang MARINA.

Nabigyang-diin sa nangyari ang pangangailangan sa pinag-ibayong seguridad at mas estriktong implementasyon ng mga safety protocols, lalo sa maliliit na pantalan na delikado sa parehong panganib. Ang pagkawala ng mga buhay ay nangangailangan ng komprehensibong imbestigasyon sa marine safety at ng transparent na prosesong administratibo para sa may-ari ng bangka.

Bilang taxpayers, inaasahan nating matatauhan na ang PCG at ang iba pang katulad na mga ahensiya sa pagtalima sa kanilang mandato, gagawin laging prayoridad ang kaligtasan ng publiko, at iiwasang maulit muli ang makadurog-pusong trahedyang ito.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …