Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador Rambo Nunez

Maja, Rambo bongga ang kasal sa Bali, Indonesia

NAPAKA-BONGGA ng kasalang Maja Salvador at Rambo Nunez kahapon, July 31, na ginanap sa Apurva Kempinski Bali, Indonesia na sinaksihan ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

July 30 nagsipagdatingan sa Bali ang entourage nina Maja at Rambo gayundin ang  ibang imbitadong bisita na karamihan ay nanggaling din sa kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza na ginawa naman sa Baguio. 

Bago ang kasalan nagkaroon muna ng welcome dinner sina Maja at Rambo.

Sa mga picture na ibinahagi ng wedding at fashion photographer na si Pat Dy parehong naka-white ang groom and bride. Nakasuot si Maja ng puting Chanel crochet-knit dress at Jimmy Choo steppers at diamond dangling earrings. Puting suit naman si Rambo na tinernuhan ng cream-colored loafers.

Ilan sa mga celebrity na present sa event sina John Lloyd Cruz, Kakai Bautista, Thou Reyes at marami pang iba. Naroon din ang isa sa mga ninang nina Maja at Rambo na si Rhea Tan, CEO at presidente ng Beautéderm Corporation.

Si Ms Rhea naman ang nag-share ng video na  nagbibigay ng mensahe si Lloydie kina Maja at Rambo na pabirong tinawag nitong “ambisyosa” ang kaibigan at talent manager. 

Anang aktor kay Rambo, ingatan ang kanyang “kapatid” ngayong magsasama na sila bilang mag-asawa.

Star studded naman ang naganap na garden wedding na base sa mga nai-post na pictures ng mga dumalo, makikita sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshuy Garcia, Janella Salvador, Kakai Bautista, at ang bagong kasal na sina Arjo at Maine.

Naroon din sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, MJ Lastimosa, Pooh, Laureen Uy, Miles Ocampo, at ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen.

Ilan sa mga tumayong principal sponsors sina ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, Richard Gomez,   Ariel at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …