KINOMPISKA ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang sam’t saring produktong agrikultural sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na dala ng dalawang babaeng pasahero mula Korea.
Dumating ang Asiana Airlines flight 0Z-701 pasado 11:00 am kahapon sakay ang dalawang pasahero na may dalang 15 kilong puting sibuyas na kinompiska ng BPI.
Kompiskado din ng BPI ang dala ng isa pang pasaherong kasabay ng isa pang pasahero ang .5 kilong kamatis, .2 kilong broccoli, 1 kilong kalabasa, .2kilong blueberrys, .1 kilong asparagus at .5 kilong Zucchini.
Naharang ang mga naturang produkto ng Bureau of Customs (BOC) sa NAIA Terminal 1 pero walang maipakitang certificate ang dalawang pasahero dahilan para kompiskahin ng BPI ang kanilang mga dala-dalang gulay.
Ang mga naturang produkto ay dadalhin ng PBI sa kanilang facility para sa tamang disposal. (HATAW News)