PINAALALAHANAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto-Antonio kamakailan ang lahat ng Television (TV) Networks, Blocktimers, Program Producers, at Distributors na tiyaking ang mga suot ng mga talent ay ligtas at angkop sa performances.
Inilabas ng MTRCB ang Memorandum bunsod ng magkakasunod na wardrobe malfunctions na namataan ng ahensiya sa ilanglive TV programs.
Binigyan-diin ni Sotto-Antonio na ang MTRCB ay, “kumikilala sa aksidente ng wardrobe malfunction pero ang MTRCB Board ay mariing nagpapaalala sa mga stakeholder na doble-ingat sa gitna ng madalas na pagkasira ng wardrobe ng ating mga performer at talent.
“Binabalaan ang lahat na sakaling maulit ang mga kahalintulad na sakuna ay lalapatan ng mas mabigat na parusa,” aniya.
Ayon sa Section 8, Chapter V ng Implementing Rules and Regulations of the Presidential Decree No. 1986, ang mga live television programs tulad ng noontime variety shows at talk shows, ay kinakailangang mag-superimposeng katagang Parental Guidance (PG)sa TV screensa buong airing ng programa.
Ang superimpositionng naturang ratingay bilang paalala sa mga magulangatTV stakeholder na maging mapagmatyag at mabigyan ng pansin angcontentna maaaring hindi angkop sa mga kabataan, lalo na angmga programa sa telebisyonnaumeere ng live.