SUMAKABILANG-BUHAW na ang impersonator at veteran comedian na si Willie Nepomuceno kahapon, July 26 sa edad 75. Mismong ang kanyang pamilya ang nagbalita ng malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng social media.
“It is with deep sadness and heavy heart to announce the passing of our beloved father, Willie Nepomuceno, on July 26, 2023, at the age of 75.
“He has peacefully joined our creator,” anang official statement ng pamilya ukol sa pagpanaw ni Willie Nep na naka-post sa Facebook account ng beteranong komedyante at satirist.
”Details of his wake will be announced soon.
“We ask for your continued prayers. Thank you very much,” dagdag pa ng pamilya.
Isang makabagbag damdamin din ang ipinost ng anak ni Ka Willie, si Willie Wilsson Nep sa kanyang FB page. Anito, “Farewell, Tatay. Though it’s incredibly hard to say goodbye, I am grateful for the time we had together. Your love, guidance, and presence in my life have shaped me into the person I am today.
“I will forever treasure the memories we created, the laughter we shared, and the lessons you taught me.
“Thank you, Tatay, for your unwavering love and for being an incredible father. Your legacy will forever be engraved in my heart. Rest well, knowing that you are deeply loved and missed.”
Hindi pa nasabi ng pamilya o kaanak ni Willie Nep ang sanhi ng pagkamatay ng aktor na kilalang-kilala sa panggagaya sa mga sikat na artista at personalidad tulad nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., Fidel Ramos, Joseph Estrada, at Noynoy Aquino, Dolphy, Fernando Poe, Jr., Jaime Cardinal Sin, dating Manila Mayor Alfredo Lim at marami pang iba.