Sunday , December 22 2024
Pira-Pirasong Paraiso

Pira-Pirasong Paraiso kinagiliwan, trending agad sa socmed 

NAPAKA-BONGGA ng ginawang pagsalubong ng netizens sa Pira-Pirasong Paraiso,  ang co-production teleserye ng ABS-CBN at TV5, dahil nag-trending ang pilot episode nito noong Martes (Hulyo 25).

Ipinakilala sa unang episode ang mga Abiog, isang pamilya ng mga magnanakaw kasama ang magkapatid na babaeng sina Baby (Loisa Andalio) at Hilary (Elisse Joson), na ang tanging pangarap lamang ay makaahon sa hirap. Lalo silang magsusumikap sa kanilang mga misyon kahit na muntik na silang pumalpak at mabisto ng isang pulis na si Jonaf (Ronnie Alonte) at ng mayamang dalagang si Diana (Charlie Dizon).

Sa social media, ibinahagi ng netizens ang kanilang papuri sa kahanga-hangang aktingan ng cast at ang mga nakapipigil-hiningang mga eksena na pumukaw sa kanilang mga emosyon. Nakakuha rin ang episode ng 54,547 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube

Sa pagpapatuloy ng kuwento, dapat abangan ng mga manonood ang pagpasok ng mga karakter nina Alexa Ilacad, KD Estrada, at Joseph Marco na magdadagdag ng tensiyon sa istorya. Masasaksihan din ang pagpapanggap ni Baby bilang ang nawawalang kapatid ni Diana, at kung paano magiging isyu ito sa mga tao sa kani-kanilang buhay, kabilang dito ang journalist na si Angela (Alexa).

Tutukan ang Pira-Pirasong Paraiso, Lunes hanggang Biyernes, 3:00 p.m. at kada Sabado ng 2:30 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …