Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Kapamilya

Kim emosyonal sa muling pagpirma sa ABS-CBN: Hindi lang pangarap ko ang natupad

KAPAMILYApa rin si Kim Chiu dahil muli siyang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, ang kanyang home network sa loob ng 17 taon.

I started without having anything in my hand and in my pocket. I didn’t know how to sing, dance, act, and even to host kasi masakit ako sa tenga magsalita, but I’m here living my dream,” saad niya sa Keep Shining: The Kim Chiu Network Contract Signing

Nagbalik-tanaw ang It’s Showtime host kung paano nabago ang buhay niya gayundin ang kanyang pamilya dahil sa Kapamilya journey na nagsimula matapos niyang magwagi sa Pinoy Big Brother Teen Edition 1 noong 2006.    

Aniya, “Dahil dito sa ABS-CBN, naging maayos ‘yung buhay namin. Hindi lang pangarap ko ‘yung natupad pati ng mga kapatid ko. I’m just grateful and very blessed. I’m just giving back everything to my home network, ABS-CBN because tinulungan nila ako noong walang-wala ako kaya kailangan nila ng tulong ko and I’m here. I’ll always be here and I’ll always be a Kapamilya.” 

Kasama sa contract signing ni Kim sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic handler na si Edith Fariñas.

Kasunod nito, ibinahagi ni Kim na marami pang aabangang bagong proyekto ang kanyang fans sa mga susunod na taon bukod sa hit series niya ngayong Fit Check at upcoming Dreamscape series na Linlang

Sa mga nakalipas na taon, nakuha ni Kim ang pagmamahal ng mga Kapamilya dahil sa kanyang angking talento na naging daan para siya ay maging isa sa mga tinitingalang bituin sa industriya. Ilan sa mga tumatak na roles na kanyang pinagbidahan ay ang Sana Maulit Muli, My Girl, Tayong Dalawa, Minsan Lang Kita Iibigin, My Binondo Girl, Love Thy Woman, gayundin ang mga pelikulang Till My Heartaches End, Bride For Rent, Etiquette for Mistresses, The Ghost Bride at marami pang iba. 

Bukod sa It’s Showtime, kasalukuyan din siyang napapanood bilang host at performer sa ASAP Natin ‘To.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …