BAGONG achievement ang nasungkit ng New Gen Dance Princess na si AC Bonifacio matapos bumida sa isang Times Square digital billboard sa New York bilang cover ng Spotify Equal Philippines.
“My face is on Times Square? This is insane and definitely a dream come true! Thank you to everyone who’s been here with me on my journey,” saad ni AC tungkol sa pagkakataon na maging bahagi ng kampanya ng nasabing music streaming service para sa women’s representation sa industriya ng musika.
Kasabay nito, inilabas din ni AC ang music video para sa single na 4 Myself na tampok ang Kapamilya actor na si Jameson Blake. Ipinamalas niya rito ang kanyang charisma at kompiyansa sa pagsayaw at ang kuwento na tiyak pupukaw sa atensyon ng manonood.
Iba’t ibang feel good anthems na rin ang inilabas ni AC tulad ng Sumayaw, Sumaya at Fool No Mo.
Samantala, ang latest single niya na 4 Myself ay nanguna sa Spotify Equal Philippines at umarangkada rin sa top 10 ng Spotify Equal Global.
Makisayaw sa tinig ng 4 Myself music video na napapanood sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.