Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ian Veneracion

Ian inee-enjoy ang buhay, paglalakbay sa Asia kinagigiliwan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MULTI-FACETED.

Bata pa lang talagang marami ng gustong gawin at ma-achieve ang isang Ian Veneracion.

Kaya naman, hindi nakapagtataka kung maging matagumpay ito sa bawat larangang pinapasok. Kahit pa sabihing hobby lang ang isang bagay sa kanya, lumalawig ito.

Gaya nang mag-aral siya para maging chef. Ang pagpi-pinta na ilang one-man exhibit na rin ang nagawa niya. Ang magpalipad ng eroplano at maging piloto. Maging certified scuba diver. And the list could go on and on.

Pero ang pinaka na hindi niya na raw mapakakawalan pa eh, ang pagiging aktor at musikero.

Kaya nagagawa naman niya na mahati ang panahon sa dalawamg ‘yan.

Blessed si Ian with his looks complemented by his physique dahil babad din naman daw siya sa gym whenever.

Hinahangaan ang pag-aaksiyon niya ngayon sa Iron Heart kasama sina Jake Cuenca at Richard Gutierrez. Matapos na maging heartthrob siya sa teleserye nila ni Bea Alonzo sa Kapamilya.

Hindi naman kinakailangan ni Ian na mamili sa bagong sumulpot na noontime show sa mga naka-poste na dahil kinalakhan na niya ito.

“Si Tito Joey (de Leon), nakasama ko sa ‘Joey and Son.’  Si Paolo (Contis) nakakasama-sama ko na rin. Kaya, bukas ako sa lahat kung iimbitahin ako. Lahat ‘yan naikutan ko na. Idagdag mo na ang RPN-9. IBC-13. PTV 4. Lahat na. Wala naman akong problema. Kung saan may mag-offer, sige lang.”

Though, nasa eatado na siya na namimili na rin sa mga proyektong tinatanggap, marami pa ring pinapangarap na magawa si Ian sa acting career niya.

Pero sa August 12, 2023 maghaharanang muli, hindi lang sa mga Titas niya ang bagong  Kilabot kundi sa lahat na ng klase ng audience na nagsimula ng mag-appreciate sa kanyang musika.

Nag-aanyaya ito at ang direktor niyang si Vergel Sto. Domingo sa Ballroom ng Winford Manila, 8:00 p.m. sa LI(an)V(eneracion)E  o Ian Veneracion: LIVE concert na special guests sina Zach Ponce at Marissa Sanchez.

Kilometriko kung sumagot si Ian sa mga tanong sa kanya kaya maraming bagay ang nata-tackle sa aktor at singer.

Isa sa nagustuhan ko sa mga sinabi niya nang matanong sa pagiging risk-taker at death defier dahil hindi na raw niya ito kinatatakutan eh, ang pagbabago ng lifestyle niya over the years.

“Dati, ‘di ba, mag-iipon tayo para mabili mga gusto natin. ‘Pag may kotse ka na gusto mo pa rin ng mas marami. O kahit anumang mga bagay. Add ka ng add sa buhay mo. Gusto mo maraming bahay. At kung ano-ano pa.

“Kung noon, masa level ako ng adding, ngayon nasa subtracting stage na ako. I live in a modest home. Hindi nga pang-artistahin ang bahay namin. Kotse, lahat namam mayroon. May ibinenta na rin. Parang sa mga damit o mga bagay. Lahat ba ‘yun magagamit mo? Kaya nandyan ako sa pagbabawas na ng hindi ko naman pala kailangan.”

Pero isang hindi mawawala sa buhay nila ng pamilya niya eh ang paglalakbay. At sa Asian countries siya mas enjoy. Sa Himalayas, sa mga bundok. ‘Yung may extreme sports silang mae-enjoy nilang mag-anak. Sa tuktok man ng bundok o ilalim ng dagat.

Pero kahit nakakatapak na sa ibang bansa si Ian, he always appreciates being back home in his beloved country.

“Swak na swak sa lahat ng gusto mo. Climate. Food. Kaya whenever I am abroad, ipinagmamalaki ko ang Pilipinas.”

Kaya ang paborito niyang kanta ay ang Englishman in New York ni Sting. Siya raw ‘yon sa bansang mahal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …