Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Prison Bulacan

11 law offenders himas-rehas na

Labing-isang indibiduwal na may mga paglabag sa batas ang arestado sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.

Sa magkakahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose Del Monte at Plaridel C/MPS ay tatlong suspek sa kalakalan ng droga ang arestado.

Kinilala ang mga ito na sina Kelvin Reyes, Elpedio Sumile, at Mary Jane Garcia na arestado sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nakumpiska sa kanila ang sampung pakete ng plastic ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php 54,000.00, assorted drug paraphernalia, at buy-bust money.

 Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa pagsusuri samantalang kasong kriminal na paglabag sa R.A. 9165 ang isasampa sa hukuman laban sa mga suspek.

 Apat namang wanted persons ang arestado sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng municipal at city police stations ng Marilao, Calumpit, San Ildefonso, at Pandi.

Kinilala ang mga ito na sina Cyrah Loi Leccio, na inaresto sa paglabag sa R.A 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) sa Peacock St., Heritage Homes, Marilao, Bulacan; Rodell Reyes, arestado para sa Acts of Lasciviousness kaugnay sa R.A. 7610 (3 Counts, sa Brgy Frances, Calumpit, Bulacan; Roi Viudez, arestado para sa Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa Sitio Pag-asa Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso, Bulacan; at Rafael Uvas sa paglabag sa BP 22 sa Brgy. San Roque, Pandi, Bulacan

Lahat ng naarestong akusado ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station para sa nararapat na disposisyon.

Samantala, sa operasyon naman laban sa illegal gambling, ang mga tauhan ng Sta. Maria MPS ay naaresto ang tatlong indibiduwal, kinilalang sina Teodoro Castillo, Michael Padayao; at Ronnie Hernandez.

Naaktuhan sila sa pagsusugal ng cara y cruz at nakumpiska sa kanila ang tatlong one-peso coins na pangara at bet money sa iba’t-ibang denominasyon.

Ayon kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang sunod-sunod na operasyon ng Bulacan police ay bilang pagtalima sa marching order ng Chief, PNP, na paigtingin, palakasin at pagtuunan ang kampanya laban sa krimen na epektibong isinasagawa sa pamumuno ng Regional Director ng PRO 3, PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …