Monday , December 23 2024
Quinn Carrillo Litrato

Quinn Carrillo ‘di nagpatalbog kay Ai Ai Delas Alas

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI napigilang maiyak ng 38th PMPC Star Awards for Movies Best New Female Movie Actress na si Quinn Carrillo sa Rami ng papuring natanggap sa mga taong nakapanood ng premiere night ng pinagbibidahan nilang pelikula ni  AiAi Delas Alas,  Litrato na idinirehe ni Louie Ignacio, hatid ng 3:16 Media Network ni Len Carillo.

Naganap ang red carpet premiere night sa Cinema 3 ng SM North Edsa.

Pagkatapos mapanood ni Quinn ang pelikula, sinabi nitong hindi niya napigilang hindi maluha dahil talaga namang makabagbag-damdamin ang takbo ng istorya ng pelikula.  Dagdag pa ang papuring natanggap ni Quinn at ng buong casts.

Kami man ay hindi rin napigilang maluha sa mga makabagbag damdaming eksena at sa husay ng pagkakagawa ni direk Louie.

Pero masasabi naming kakaiba at napakahusay ni Quinn dito, na ginampanan niya ang papel ni Angel, anak ni Ara Mina at apo ni Ai Ai.

Bagamat baguhan, hindi nagpatalbog si Quinn sa husay din sa pagganap ng comedy/concert na si Ai Ai na nakatitiyak kaming magbibigay sa kanya ng maraming Best Actress award.

Kasama nina Ai Ai at Quinn sa movie sina Ara, Bodgie Pascua, Liza Lorena atbp..

Kaya naman sugod na sa mga sinehan sa July 26 at panoorin ang pelikuland Litrato na hatid ng 3:16 Media Network.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …