Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kuya Kim Atienza Kiray Celis Globe Sim Registration

Na-‘hack’ ang mga account ng mga celebrity

ANG creative campaign para bigyang-diin ang halaga ng online safety ay nagsimula sa mga teaser posts sa lahat ng aktibong social media accounts nina Kiray at Kuya Kim.  Ito ay nagtapos sa isang TikTok LIVE session, na ang mga impersonator ay nag-alok ng obvious na mga scam sa mga manonood, na epektibong nagpapakita ng mga posibleng panganib na naghihintay online.

Ang impostor ni Kiray ay nangako ng mas sosyal, maganda, at bonggang bersiyon ng minamahal na comedienne, na nauwi sa isang live selling event at isang dramatic na “face reveal.” Kasabay nito, ang impersonator ni Kuya Kim ay nagpahiwatig sa mga nangyayaring pagbabago sa isang TV show. Nangako pa ang ‘hacker’ ng mga juicy na sikreto sa likod ng mga eksena, mga tip sa pamumuhay, at isang sorpresang bisita para magpasabog ng interes at intriga.

Ang talagang dahilan sa likod ng mga gawaing ito ay inihayag dalawang araw pagkatapos ng livestream, habang nag-upload sina Kuya Kim at Kiray ng isang video na nagsasabing na-‘hack’ ang kanilang mga account. Ang kanilang mahalagang mensahe: totoo ang online identity theft, at dapat kumilos ang lahat para maprotektahan ang kanilang sarili, kasama na ang pagrehistro ng SIM.

Sa kampanyang ito, ipinakikita ng Globe ang dedikasyon sa pagtataguyod ng online safety. Mula Disyembre 2022, isinasagawa na ng kompanya ang iba’t ibang SIM registration drives. Ang pinakahuling kampanyang ito ay nagpapalakas ng mensahe na “hindi lamang numero ang iyong SIM – ito’y isang extensyon ng iyong identity.” Sa pamamagitan ng SIM registration, ginagawa ng mga customer ang isang kritikal na hakbang para maprotektahan ang kanilang digital identity laban sa mga posibleng scam.

Ipinaalala ng kampanyang Number Mo, Identity Mo sa lahat na ang laban sa online scams ay hindi kaya ng isang tao lamang, ito’y responsibilidad ng lahat.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …