Sunday , April 6 2025
Bulacan Police PNP

Mga kulungan Halos mapuno
MGA ASTIG NA PUGANTE AT MGA PASAWAY NA LAW VIOLATORS DINAMBA NG BULACAN PNP

Sa loob ng 24 oras ay halos napuno ang mga kulungan sa Bulacan nang sunod-sunod na naaresto ng mga awtoridad ang mga puganteng kriminal at mga pasaway na law violators sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa pinaigting na manhunt operations laban sa mga  wanted persons ay naaresto ang 25 puganteng indibiduwal na may  court-issued warrants para arestuhin.

Ang tracker teams ng Bulacan 1st and 2nd PMFC, Norzagaray, San Ildefonso, Balagtas, Bocaue, San Jose Del Monte, Meycauayan, Bulakan, Baliwag, Marilao, San Miguel, Malolos at Pulilan C/MPS ay arestado sina  Rebenson Chua, Top 1 Most Wanted sa municipal level at number 6 Most Wanted Person sa provincial level sa paglabag sa  RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act; Perimar Molo para sa 2 counts ng Sexual Assault kaugnay sa RA 7610; Pedro Imperio para sa 3 counts ng Rape; Edgardo Datus para sa Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries; Christopher Ian de Leon Javier para sa Grave Threats; Jonard Petilla para sa Acts of Lasciviousness; Mario Masigal Jr. para sa Disobedience at paglabag sa RA 10054; Angelito Santiago para sa Qualified Theft; Jeffrey Pacheco para sa 2 counts ng paglabag sa  RA 9262; Joseph Villagrasya sa paglabag sa  Section 5 at 11 ng RA 9165; Marvhete Manio sa paglabag sa RA 7610; Alfredo Marron at Fernando Dela Cruz para sa  Estafa; Renante Sumera at Aldrin Altre para sa kasong Theft; Elias Agustin para sa Serious Physical Injuries; Roger Valderama sa paglabag sa RA 11332; Erlindo Arnado Jr para sa krimeng Rape, Alberto Villavicencio, Alfred Balintoza at Reynald Blanco para sa krimeng Robbery.

Lahat ng mga arestadong indibiduwal ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting station para sa naaangkop na disposisyon..

Laban naman sa kampanya sa iligal na droga ay limang drug dealers at users ang arestado matapos ang nga serye ng anti-illegal drugs operations na ikinasa ng Station Drug Units (SDEU) ng San Jose Del Monte, San Ildefonso, Balagtas at Marilao C/MPS.

Ang mga arestado ay sina Zoren De Leon, Eduardo Matabang, Teddy Bropas, na kabilang sa PNP-PDEA Unified watchlist, Marco Cahilap at Reynante Delrosario.

Nakumpiska sa mga suspek ang 24 pakete ng  9.86 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may standard drug price na Php 67,048.00, marked money, at drug paraphernalia.

Samantala ang Bulacan 2nd PMFC at Meycauayan CPS ay naglatag ng anti-illegal gambling operation na ikinaaresto nina Michelle Molina, Nestor Nuñez, Ronaldo De Guzman, Erickson Gregorio, Rowena Ramos, Fortunata Zuñiga and Joseph Deriade.

Ang mga arestadong suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa P.D. 1602, o ang  Anti-Illegal Gambling Act. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …