Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
RCBC Pulz app boundless

Pulz app boundless inilunsad ng RCBC

INILUNSAD ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ang Pulz app boundless upang higit na mabigyan ng madaliang serbisyo ang kanilang walk-in customers at mga regular na kliyente.

Layon ng naturang app ng RCBC ay baguhin ang tradisyonal na banking system at sumabay sa makabagong teknolohiya.

Sa naturang app ay maaaring mag-open ng account  ang sino mang nais magbukas na ang tanging kailangan ay isang valid ID (identification card) at hindi na kailangan pang tumungo sa banko para magsagawa ng transaksiyon.

Dahil sa naturang app ay maari na din ibawas sa account ang mga bayarin katulad ng credit card at iba pang mga utilities sa bahay.

         Tiniyak ni Lito Villanueva , Chief Innovation & Inclusion Officer and Executive Vice President , RCBC at Chief Digital Transformation Advisor, YGC na protektado ang ano mang impormasyon o pagkakakilananlan ng kanilang kliyenteng mag-a-avail ng naturang app.

Tinukoy ni Villanueva na maituturing ang RCBC Pulz na isang all-in-one banking app na lubhang maghahatid ng madaliang serbisyo sa kanilang mga kliyente.

Sinigurado rin ni Villanueva na nakipag-ugnayan sila sa mga ahensiya ng pamahalaan na mayroong kaugnayan sa banking industry katulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ito ay upang matiyak na protektado ng sistema ang umiiral na anti-money laundering law.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …