Monday , April 7 2025
Bulacan Police PNP

 42 law offenders sa Bulacan kalaboso

Kabuuang 42 law offenders ang magkakasunod na naaresto ng Bulacan police sa sunod-sunod na operasyon laban sa krimen sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga, Hulyo 21.

Batay sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, isinasaad na 20 drug peddlers ang arestado matapos ang mga serye ng anti-illegal drugs operations na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Malolos, San Jose Del Monte, Meycauayan, San Rafael, San Miguel, Pandi, Pulilan, Guiguinto, Calumpit, at Norzagaray C/MPS.

Nakumpiska sa mga suspek ang kabuuang 63 pakete ng  shabu, drug paraphernalia, at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Samantalang walo namang katao na wanted sa batas ang arestado sa iba’t-ibang manhunt police operations na isinagawa ng tracker teams ng Meycauayan, San Jose Del Monte, Santa Maria, Calumpit, at Angat C/MPS.

Ang mga arestadong suspek at akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting police station para sa nararapat na disposisyon.

Sa inilatag namang anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng San Jose Del Monte, Meycauayan, Baliwag, at San Rafael C/MPS ay nagresulta sa pagkaaresto ng 14 na indibiduwal na naaktuhan sa pagsusugal.

Nakumpiska sa mga arestadong suspek ang isang mahjong set, isang set ng playing cards, dalawang pad booklet ng papelito na may nakasulat na mga taya sa sugal, tatlong one-peso coin used na gamit sa cara y cruz (pangara), at bet money sa iba’t-ibang denominasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

TUP Manila campus walang face-to-face classes sa Abril 7-8

Bilang pagdadalamhati  
TUP Manila campus walang face-to-face classes sa Abril 7-8

NAGDEKLARA ng suspensiyon ang Technological University of the Philippines (TUP) Manila para sa face-to-face classes …

2 araw na Music Festival ng Taguig matagumpay

MATAGUMPAY ang idinaos na dalawang araw na Taguig Music Festival 2025 ng lungsod sa ilalim …

Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera

Bagong Henerasyon Partylist ‘pasok’ sa “winning circle”

LUBOS na ikinagalak ng Bagong Henerasyon (BH) Partylist, sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader …