Naging matagumpay ang idinaos na ika- 35 taong founding anniversary ng 70th (Matapat Matatag) Infantry Battalion sa ilalim ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na ginanap sa 70IB Camp sa Brgy, Sampaloc sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.
Dumalo sa pagtitipon ang lahat ng Company Commander mula sa Alpha, Bravo, Charlie at Delta Company na nakalataga sa buong probinsya ng Bulacan,Bataan at Pampanga.
Kasunod nito ay tumanggap ng Plaque of Appreciation ang 12 indibidwal kabilang dito sina dating LPGMA Cong.Arnel Ty, Rev.Jeffrey M Lazaro ng Christian Baptish Church at Rev.Alvin S Bacani mula sa bayan ng Porac sa Pampanga na walang sawang gumagabay sa Matapat Matatag Battalion.
Samantalang 10 kawal naman mula sa ibat-ibang Company (Coy) ang ginawaran ng Military Merit Medal dahil sa hindi matatawarang dedikasyon ng mga sundalo sa kanilang mga sinumpaang tungkulin sa bayan.
Samantala, pinasalamatan ni Army Battalion Commander, Lt.Col. Ronnel B. Dela Cruz ang lahat ng komunidad na sumusoporta sa trabaho ng militar sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan.
Gayundin, maging ang mga stakeholders at LGUs na walang sawang nagtataguyod sa kapakanan ng mamamayan.(Micka Bautista)