Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BBM Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan Kadiwa

May kabuuang kita na P550k
FERNANDO, CASTRO, PINALAKAS ANG PROGRAMANG KADIWA NG PANGULO SA BULACAN

Sa layuning matiyak ang matibay na suplay ng abot-kaya at dekalidad na mga produktong agrikultural para sa mga mamimili, pinalakas nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang paglulunsad ng Katuwang sa Diwa at Gawa Para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA) ng Pangulo 2023 sa lalawigan kahapon sa harap ng Bulacan Capitol Gymnasium dito kasabay ng grand launch sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Binili ni Fernando ang karamihan sa mga produktong tampok at ipinamigay ang mga ito sa mga Bulakenyong dumalo sa aktibidad na binubuo ng Mother Leaders, Lingkod Lingap sa Nayon, mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Barangay Health Workers.

Sa pangunguna ng Provincial Administrator’s Office, Provincial Agriculture Office at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office sa pakikipagtulungan ng DTI, DSWD, DOLE, NFA and DILG, may kabuuang 39 exhibitors sa Bulacan ang lumahok sa programa na kumita ng may kabuuang P550,734 na kinabibilangan ng small enterprises, local manufacturers, mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, pinangunahan naman ni PBBM ang pagpirma sa memorandum of agreement para sa pagtatatag ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa sa pamamagitan ng Zoom conference kung saan 82 iba pang mga lalawigan at 16 na mga munisipalidad sa bansa ang nakiisa sa sabayang pagsasagawa ng mga aktibidad ng KNP.

Sa kabila ng modernisasyon sa lalawigan, inihayag ni Fernando ang kanyang suporta sa Bulacan bilang isang agrikultural na lalawigan at sinabi na marapat lang na gabayan ng pamahalaan ang mga komunidad nito tungo sa pagiging self-sufficient.

“Sa mithiin pong ito, malaki ang papel ng ating local government units upang maipatupad ng maayos at mapalawig ang sakop ng KNP sa ating komunidad. Ang tunay pong kahulugan ng hatid nating serbisyo-publiko ay ang tulungan ang ating mga kababayan na tumayo sa sarili nilang mga paa. Kailangan nating maging self-sufficient upang malampasan ang mga pagsubok ng panahon at upang yakapin ang progresong dumarating sa atin,” anang gobernador.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay isang direct-to-consumer marketing strategy na kapawa sinusuportahan ang mga magsasaka at mga mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng makatarungang kita sa mga magsasaka habang nag-aalok ng mga mura at abot-kayang produkto sa publiko.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …