Monday , December 23 2024
checkpoint

Rider na kargado ng boga. shabu, nasabat sa checkpoint

INARESTO ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider matapos mahulihan ng nakasukbit na baril at dalang shabu sa isang checkpoint operation sa  Masantol, Pampanga kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ng Pampanga PPO kay PRO3 Director P/BGen. Jose S. Hidalgo, Jr., nabatid na habang ang operating teams ng Pampanga 1st PMFC, Masantol MPS at Pampanga PIU ay nagsasagawa ng checkpoint operation sa Brgy. Bebe Anac, Masantol, Pampanga, ay pinara nila ang isang rider dahil walang suot na helmet.

Nang usisain ng mga awtoridad ang mga kinakailangang dokumento, bumulaga sa mga awtoridad ang kalibre .38 revolver na nakasukbit sa beywang ng rider na nagresulta sa pag-aresto sa suspek.

Kinilala ni P/BGen. Hidlago ang arestadong suspek na si Cesario Ronquillo Cabrera, residente sa San Pedo Cutud, City of San Ferando, Pampanga at natuklasan na nakatala bilang high value individual (HVI).

Bukod sa nakompiskang  kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala, nakuha rin ng mga awtoridad sa suspek ang isang asul na motorsiklo, cash sa iba’t ibang denominasyon, at hinihinalang shabu, may timbang na 55 gramo at tinatayang may halagang aabot sa P374, 000. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …