Saturday , December 21 2024
shabu drug arrest

 ‘Health worker’ timbog sa P.7-M ilegal na droga

TIMBOG ang isang babaeng health worker, sinabing sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhaan ng halos P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Nerna Awalil, alyas Inda, 32 anyos, nagpakilalang health worker, residente sa Salam Compound, Brgy. Culiat Tandang Sora, Quezon City.

Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., dakong 8:00 pm nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Ronald Allan Soriano, kasama ang 3rd MFC, RMFB matapos bentahan ng P65,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Sta Rita St., Brgy. 188.

Nakompiska sa suspek ang halos 100 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price value na P680,000, buybust money na isang P1,000 bill, kasama ang 64 pirasong P1,000 boodle money, at isang pouch.

Ayon kay Col. Lacuesta, nakatanggap ang mga operatiba ng SDEU ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu ng suspek na dumarayo sa Caloocan para magbenta ng droga kaya isinailalim nila sa validation at nang magpositibo ang report ay ikinasa ng mga operatiba ang buybust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Awalil.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …