Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Batilyo kritikal sa pananaksak ng magtiyuhin

KRITIKAL ang kalagayan ng isang batilyo sa fish port complex matapos kursunadahin ng magtiyuhin sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Oliver Quita, 21 anyos, residente sa Yellow Bell St., Brgy. NBBS Proper, sanhi ng mga saksak sa tiyan.

Agad naaresto ng mga tauhan ng Navotas Police sa hot pursuit operation ang isa sa mga suspek na si Charlie Desabille, 44 anyos, kapwa batilyo; habang tinutugis pa ang kanyang pamangkin na si Jonathan Desabille, alyas Athan, nasa hustong gulang, kapwa residente sa Champaca St., Brgy. NBBS Proper.

Sa report ni P/SSgt. Edison Mata kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong 8:20 pm nang maganap ang pananaksak sa biktima sa harap ng isang tindahan sa Road 10 kanto ng Yellow Bell St., sa nasabing barangay.

Nabatid, habang nakaupo ang biktima habang naghihintay ng inorder niyang pagkain, dumating ang mga suspek na kapwa lango sa alak.

Sa pahayag ng 20-anyos babaeng saksi kay P/SSgt. Mata, narinig niya na sinabihan ng isa sa mga suspek ang biktima na “Ikaw matapang ka ba? Papalag ka ba?” at pagkatapos ay inudyukan ang pamangkin na ‘saksakin muna pamangkin’ kaya agad naglabas ng patalim si Athan saka inundayan ng saksak sa kaliwang bahagi ng tiyan si Quita.

Matapos saksakin, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …