Saturday , April 19 2025
Gun Fire SJDM

Asawa hindi binigyan ng pera
MISIS ISINUBSOB SA BURNER,RESTOBAR NG AMO SINUNOG
Mister todas sa boga ng lady parak

ISANG lalaki ang binaril at napatay ng isang nagrespondeng policewoman sa paghingi ng saklolo ng isang misis na service crew, dahil sa pananakit sa kanya ng mister, at pagsunog sa pinagtatrabahuang resto bar  sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang namatay ay kinilalang si Marcial Tinguha, 54 anyos, tubong Dumaguete City, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Guijo, SJDM City, Bulacan.

Ang nagrespondeng policewoman na nakabaril kay Tinguha ay si P/SMSgt. Jaclyn Fraulen Salboro ng B66, Ph. 1A, Brgy. Narra, SJDM City at kagawad ng Bulacan Police Provincial Office.

Sa imbestigasyon, nabatid na si Tinguha ay dumating sa Charcoal’s Tambayan and Musikahan pasado 8:00 am, dito nagtatrabaho ang kanyang misis na si Esterlita Tinguha, 52 anyos, tubong Aleosan, North Cotabato, bilang crew.

Napag-alamang ang nabanggit na restobar ay pag-aari ni P/SMSgt. Salboro, nasa likurang bahagi nito ang kanyang bahay na tinitirhan.

Ayon sa ulat, nang papatayin na ng misis na si  Estrelita ang sindi ng ilaw sa restobar, kasunod na niya ang mister na humihingi ng pera pero hindi niya binigyan kaya nagalit ang lalaki.

Sa pagkakataong ito naging bayolente ang lalaking Tinguha at sinunggaban ang misis saka pilit inginungudngod ang mukha sa burner ngunit nagpumiglas ang babae hanggang siya ay makatakas.

Nang makawala ang babaeng Tinguha, dito sinunog ng mister ang restobar samantala ang misis ay humingi ng tulong kay P/SMSgt. Salboro na kasalukuyang nasa bahay nito sa bandang likuran.

Kaagad sumugod sa lugar si P/SMSgt. Salboro na nakasalubong sa gate, ilang metro ang layo sa terrace ng kanyang bahay, si Marcial habang tinutugis ang misis.

Ngunit biglang si P/SMSgt. Salboro umano ang napagbalingan ng bayolenteng mister at tinangkang saksakin ng patalim pero nagawang salagin ng lady parak.

Sinasabing nagpambuno ang dalawa sa lupa hanggang nang masusukol na si P/SMSgt. Salboro ay dinampot niya ang kanyang baril at napilitang paputukan ang nagwawalang mister na ikinamatay nito noon din.

Dumating ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) hanggang ganap na maapula ang apoy dakong 9:18 am, na tinatayang aabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala.

Nagsagawa ng pagproseso sa lugar ang Bulacan Provincial Forensic Unit samantala si P/SMSgt. Salboro dala ang kanyang baril ay boluntaryong sumuko sa San Jose del Monte City Police Station. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …