Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN APB Asia-Pacific Broadcasting Awards

ABS-CBN, nakopo 4 parangal sa 2023 Asia-Pacific Broadcasting + Awards sa SG

APAT na parangal ang nakuha ng ABS-CBN sa unang Asia-Pacific Broadcasting+ Awards na layuning kilalanin ang mga proyekto na nagpamalas ng husay at pagbabago sa broadcasting sa larangan ng teknolohiya, digitalization, at engineering.  

Nakamit ng ABS-CBN News ang Broadcast Innovation award para sa OB Ranger Project nito na nakatulong para mapanatili ng kompanya ang multi-camera live coverage mula sa field na walang dagdag na gastos sa pamamagitan ng paggamit ng lumang equipment.  

Nagwagi rin ang iWantTFC ng Excellence Award for OTT Platform sa pagtugon nito sa viewing habits ng mga manonood saan man sa mundo, habang nakamit ng ABS-CBN Global at ABS-CBN Broadcast Technology team ang Innovation Award for Cloud-Playout Migration na natugunan naman ang mga traditional playout problem gamit ang iWantTFC na wala ring dagdag gastos. 

Nag-uwi rin ang subsidiary ng ABS-CBN na Big Dipper ng Innovation Award for Audio Description sa pagbibigay ng maganda at inclusive na viewing experience sa mga manonood na may kapansanan sa pandinig.  

Sina head of ABS-CBN Digital News Gathering Val Cuenca, Operations Desk editor Kerchlynn Tan, at head of ABS-CBN Media Engineering Patrick Ongchangco ang tumanggap ng mga parangal ng ABS-CBN. 

Ang Asia-Pacific Broadcasting ang nasa likod ng Asia-Pacific Broadcasting+ Awards na ginanap noong Hunyo 8 sa Crowne Plaza, Changi Airport sa Singapore.    

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …