Sunday , December 22 2024
shabu drug arrest

Tulak swak sa buybust

BAGSAK sa kulungan ang isang tulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buybust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong suspek na si Julio Padua, Jr., 50 anyos, pedicab driver, residente sa Custodio St., Santolan, Malabon City.

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa talamak na pagbebenta ng shabu ng suspek kaya ikinasa nila ang buybust operation sa pangunguna ni P/Cpt. Joel Madregalejo.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon kay Padua ng P300 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ni Padua ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba sa harap ng Rusi sa M.H Del Pilar St., Brgy. Arkong Bato, dakong 7:00 am.

Nakompiska sa suspek ang apat na transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, buybust money, P200 recovered money, coin purse, at cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …