Monday , April 28 2025
Coconut

Nene patay sa bungkos na buko ng Niyog

ISANG 7-anyos batang babae ang namatay matapos matamaan ng isang bungkos ng buko mula sa puno ng niyog sa liblib na barangay ng Mua-an, sa lungsod ng Kidapawan, lalawigan ng Cotabato, nitong Biyernes ng hapon, 14 Hulyo.

Kinilala ni P/Capt. Razel Enriquez, deputy police chief ng Kidapawan CPS, ang biktimang si Shikayna Aguirre, 7 anyos, nakatakdang pumasok bilang Grade 2 sa pasukan.

Nabatid na naglalaro ang bata malapit sa kanilang bahay nang maganap ang insidente.

Ayon kay Enriquez, nakiusap ang magulang ng biktima sa isang kapitbahay upang mag-ani ng mga niyog para maging kopra ngunit nahulog ang bungkos ng mga buko at tumama sa ulo ng bata.

Nagawang maisugod sa malapit na pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng doktor.

Samantala, kusang sumuko ang kapitbahay ng biktima na kalaunan ay pinalaya dahil sa pakikipag-ayos sa mga magulang ng batang nagpahayag na hindi na magsasampa ng reklamo laban sa kanya. ###

About hataw tabloid

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …