Sunday , December 22 2024
MORE Power iloilo

Maayos na serbisyo ng MORE Power sa Iloilo City ibinida ni Sen. Grace Poe

IBINIDA ni Senator Grace Poe ang maayos na serbisyo ng More Electric and Power Corporation (MORE Power), ang distribution utility sa Iloilo City, na sa loob lamang ng tatlong taon mula nang mabigyan ng legislative franchise ay nagawang maresolba ang malaking problema sa brownouts at mataas na singil sa koryente sa lalawigan.

Ang pagbida sa MORE Power ay ginawa ni Poe sa pagpapatuloy ng isinasagawang joint investigation ng Senate Committee on Energy at Committee on Public Services kaugnay sa malaking problema sa brownouts na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa bunsod ng mababang uri ng  pamamalakad ng mga electric cooperatives.

Ayon kay Poe, ang pagpasok ng private players kagaya ng MORE Power ang susi para mapabuti ang power service at maiwasan ang paulit-ulit na brownouts.

“Kung mas malaki ang capitalization ng private sector at mayroon silang responsibilidad sa kanilang shareholders, mas maayos ang serbisyo nila. Doon sa Iloilo City, nang ma-approve ang franchise ng MORE Power, mas naging maayos ang serbisyo,” pahayag ni Poe, Chairman ng Senate Committee on Public Services.

Taong 2020 nang magsimulang mag-operate ang MORE Power at sa ikatlong taon ng kanilang operasyon ay halos patapos na ang  kanilang five-year development plan para sa pagpapabuti ng serbisyo sa buong lalawigan.

Sinabi ni MORE Power President and Chief Executive Officer Roel Castro, mula nang i-takeover ng kompanya ang power supply sa Iloilo City mula sa Panay Electric Company (PECO) ay nakapaglagak na ng P1.5 bilyong halaga ng investments na nakatuon para sa modernisasyon ng power distribution facilities.

Kabilang sa pinalitan ng MORE Power ang mga luma at sira-sirang electric meters, mga kahoy na electric poles, upgrades ng mga transformer,  rehabilitasyon ng substations at pagtatayo ng mga bagong transmission at switching stations.

Bunsod ng modernisasyon na ipinatupad ng MORE Power ay nabawasan ng 90% ang power interruptions, naiwasan ang overloading at illegal connections na nagresulta sa pagbaba ng system loss na ipinapasa sa mga consumer,  ang response time sa mga consumer complaints ay agad din natutugunan sa loob lamang ng 10 hanggang 15 minuto at bumaba ang singil sa koryente.

Sinabi ni Castro, dahil sa modernisasyon sa distribution facilities, ang singil sa koryente sa Iloilo City ang isa sa pinakamababa sa buong bansa.

“MORE power has invested over a billion pesos to deliver on its commitment to bring about welcome changes in the electric service in terms of efficiency, sufficiency and reliability,” pahayag ni Castro.

Una nang sinabi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na consumer friendly ang serbisyong hatid ng MORE Power.

“MORE delivers good service to Iloilo City and they work very closely with us, very consumer-friendly. MORE Power has an excellent Corporate Social Responsibility. Very happy and satisfied customer of MORE Power,” pagtatapos ni Treñas.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …