Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KimJe Team A

KimJe fun-serye dobleng saya at tawanan ang hatid ng Team A Season 2

TIYAK ikatutuwa ng mga KimJe fans ang pagpapatuloy ng kanilang paboritong fun-serye sa TV5, ang Team A, dahil dobleng katatawanan at mga sorpresa ang hatid nito sa Season 2. 

Dahil nga sa matagumpay na maiden season nito, nagbabalik ang Team A para sa all-new season nito na mapapanood na sa TV5 simula sa July 15.

Sa unang season ng Team A, naging komplikado ang simple at masayang pamumuhay nina Ian (Jerald Napoles) at Janet (Kim Molina), kasama ang kanilang nag-iisang anak na si Yeye ( Gianna Iguiron), dahil sa patuloy na pagbabangayan ng kanilang mga magulang, ang nanay ni Janet at tatay ni Ian. May mga hatid na sorpresa rin ang nakaraang season finale ng Team A, kasama na rito ang pagkansela ni Ian sa kanyang trip to South Korea at ang pagdiskubre niya ng pregnancy test na nag-iwan ng malaking misteryo kung sino nga ba ang tunay na nagdadalantang-tao sa kanilang pamilya.

Sa Season 2 ng Team A, ang real-life couple at multi-talented artists na sina Kim at Jerald, o mas kilala bilang “KimJe” sa kanilang fans, ay patuloy na gagampanan ang kanilang roles bilang mag-asawa sa makulit at masayang Ambida Family, ang Team A. Sa kanilang bagong tahanan sa Friendly Village, magugulo ang kanilang tahimik na buhay sa pagsulpot ng isang ‘di inaasahang karakter na susubok sa relasyon ng mag-asawa.

Kukompleto sa kwelang cast ng Team A Season 2 sina Yayo Aguila, Gene Padilla, Anjo Yllana, Cindy Miranda, Marc Acueza, Ashtine Olviga, at Ethan David na maghahatid ng kabaliwan at katatawanan na mas lalong ikatutuwa ng mga viewer.

Mula sa direksiyon ni Mervyn B Brondial at sa panulat ni Mel Mendoza-Del Rosario, naging posible ang pagbabalik ng Team A sa talento at production expertise ng Cignal, Studio Viva, at Sari Sari Channel.

Isama ang buong pamilya at makisaya sa Ambida Family sa premiere ng Team A Season 2 sa Hulyo 15 at tuwing Sabado ng 5:00 p.m. sa TV5.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …