Monday , December 23 2024
MORE Power BILL DEPOSIT REFUND

Customer first:  
MORE POWER NAGPATUPAD NG IKALAWANG YUGTO NG BILL DEPOSIT REFUND

NAGPATUPAD ng ikalawang yugto ng Bill Deposit Refund para sa kanilang “eligible consumer” ang More Electric and Power Corporation (More Power), ang electricity provider sa Iloilo City.

Ang kusang pagsasauli ng Bill Deposit ay sariling inisyatiba ng More Power bilang pagpapakita  ng pagpapahalaga sa kanilang consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob ng 36 buwan o 3 taon.

Kuwento ni Violeta Tiangson, residente ng Rizal Palapala Zone 1, malaking tulong ang natanggap niyang refund dahil makatutulong ito sa gastusin para sa kanyang anak.

“Hindi lang maayos na serbisyo ang inihahatid ng More Power sa aming mga residente kundi ipinapakita din nito ang kanilang ipinangako na totoong serbisyo at pagpapahalaga sa mga customers” pahayag ni Tiangson.

Gayondin ang pahayag ni Keiffer Espinosa,  barangay councilor sa East Timawa, Molo, Iloilo City, aniya, nagbabayad siya sa tamang oras dahil sa magandang serbisyong natatanggap din niya mula sa More Power.

Noong buwan ng Mayo ay una nang nagbalik ng Bill Deposit ang More Power, sa  buwan ng Hunyo ay nasa 20 consumers ang nakatanggap, sa buwan ng  Hulyo ay 65 consumers ang mabibiyayaan ng bill deposit refund at hanggang sa pagtatapos ng taon ay inaasahan na nasa 777 customers ang magiging eligible sa programa.

Ipinaliwanag ni More Power President  at CEO Roel Castro, ang bill deposit refund ay hindi reward bagkus ay karapatan ng mga consumer sa ilalim ng Magna Carta for Residential Consumers na mahigpit na inoobserba ng kanilang kompanya.

         “We have implemented this program in strict compliance with the law. The bill deposit does not belong to us; it rightfully belongs to our consumers. We are dutifully fulfilling our responsibility by returning what is rightfully theirs,” pahayag ni Castro.

Ang inisyatiba ng More Power na kusang ibalik ang bill deposit sa mga eligible consumer ay una nang tumanggap ng papuri sa iba’t ibang stakeholders.

Sinabi ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Atty. Monalisa Dimalanta, karapat-dapat irekomenda ang More Power sa magandang halimbawa na ipinapakita nito sa ibang distribution utilities.

“The refund initiative highlighted the company’s commitment to transparency and consumer welfare,0” pahayag ni Dimalanta.

Ang lokal na pamahalaan ng Iloilo City ay ikinatutuwa rin ang maayos na serbisyo ng More Power.

The Iloilo City Government, recognizes MORE Power’s efforts in refunding bill deposits. We acknowledged the dedication and commitment of MORE Power in providing the best possible service to the Ilonggos. This exemplary act sets the benchmark for others to follow,” pahayag ni Francis Cruz, Special Assistant to Mayor Jerry Treñas.

Taong 2020 nang magsimulang mag-operate ang More Power.

Tiniyak ng More Power, patuloy ang kanilang pagganap sa kanilang responsibilidad na magbigay ng de-kalidad na serbisyo sa kanilang mga consumers.

“MORE Power Iloilo remains dedicated to delivering excellent service and fulfilling its obligations to its valued customers. The company looks forward to continuing its efforts in supporting the community and providing reliable electricity services” pagtatapos ng More Power.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …