Monday , December 23 2024
SPEED Rhea Tan Bethany House Sto. Niño Orphanage Emmaus House of Apostolate

SPEEd nagdiwang ng ika-8 anibersaryo sa Bethany House Sto. Niño Orphanage at Emmaus House of Apostolate 

LOVE cannot remain by itself — it has no meaning. Love has to be put into action and that action is service.” – Mother Teresa.

PARA sa mas makabuluhang pagdiriwang ng ika-8 na anibersaryo ng  Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), muling nagsagawa ang grupo ng outreach program nitong nagdaang Biyernes, July 7.

Dumalaw at nagbigay ng donasyon ang SPEEd, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis (People’s Journal), kasama ang iba pang opisyal at mga miyembro nito, sa dalawang charitable institution sa Bulacan.

Unang binisita ng samahan ng entertainment editors sa Pilipinas ang Bethany House Sto. Niño Orphanage sa Guiguinto na nag-aalaga at nagbibigay proteksIyon sa mga batang wala nang pamilya o kamag-anak.

May 30 kabataan ang naninirahan sa Bethany House Sto. Niño Orphanage na pinamumunuan ni Sister Emelita Cruz. Siya ang laging punong-abala sa pagtanggap sa mga nagpapaabot ng tulong sa mga batang kinakalinga at pinag-aaral. Sinalubong ang SPEEd ni Sister Emerlita Luna.

Kasunod nito, nagtungo naman ang SPEEd sa Emmaus House of Apostolate sa Malolos, Bulacan na may 60 lolo at lola ang naninirahan at inaalagaan. Sinalubong kami roon ni Ms Baby Martin.

Bukod sa financial assistance, ilan pa sa mga naiabot na tulong ng grupo ay food and medical supplies, cleaning materials, vitamins,  adult diapers, at iba pang kagamitan na magagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Naging katuwang sa SPEEd Outreach 2023 sina Ms. Rei Anicoche-Tan ng Beautederm at BlancProMs. Cris Roque ng KamisetaUnilab Corporation, at Pascual Laboratories na mula noon hanggang ngayon ay hindi nagsasawang sumuporta sa mga makabuluhang proyekto ng SPEEd.

Nagpapasalamat din ang grupo kina Manay Lolis Solis, Hon. Bulacan Gov. Daniel Fernando, San Miguel Corporation, Jollibee, Universal Robina Corporation, Mr. Mark Parlade at Ms. Rosbel Buñag ngStratworks, Ms. Dee Chanco ng Maris Pure Water, Ms. Lotlot de Leon, Ms. Susan Joven, Mr. Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Mr. Edd Fuentes, Lamoiyan Corporation at Colorete Clothing. 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …